About Filipino

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Where you're at: > Talambuhay ng Bayani > See More... > Talambuhay ni Diego Silang | Biography

Lazada Philippines Lazada Philippines

Talambuhay ni Diego Silang | Biography

Talambuhay ni Diego SilangDiego Silang 

Isinilang si Diego Silang nuong Deciembre 16, 1730, sa Aringay, Pangasinan(bahagi ngayon ng La Union), kina Miguel Silang ng Aringay at Nicolasa delos Santosng Vigan, Ilocos (Ilocos Sur ngayon). Nuong bata pa, nagsilbi siya kay Padre Cortes yCrisolo, ang frayle ng paroco (parish) ng Vigan. Matalino at madaling matuto, nasanaysiya sa Español at naging tagapag-hatid (mensahero, messenger) ni Cortes.

Minsan, nautusan siyang magdala ng pahatid sa Manila. Wala pang daan mula Viganhanggang Manila nuon kaya sakay sa isang bangka naglakbay si Silang. Sa malas,nawasak ang bangka sa batuhan ng baybayin ng Bolinao, Zambales (bahagi ngPangasinan ngayon). Namatay lahat ng kasama ni Silang, nalunod o pinatay ng mga Zambal. Hindi pinatay dahil bata pa, binihag siya ng mga Zambal at ginawang alipin,hanggang tinubos siya ng isang frayleng Recollect na misionario sa Zambales nuon.

Nagbalik siya sa Vigan at nagpatuloy bilang tagapagsilbi ng frayle. Nakilala niya at napangasawa ang isang mestizang viuda, si Maria Josefa Gabriela Cariño, taga-Santa,Ilocos. (Nasa ibaba ang kasaysayan ni Gabriela Silang.)

Noong Septyembre 1762, nautusan si Silang na muling maglakbay sa Manila at hintayinang pagdating ng “Filipino,” ang galleon mula sa Acapulco, Nueva España (ang Mexicongayon). Nasaksihan niya ang biglang sulpot ng hukbong dagat (navy) ng British, pinilitna sumuko ang pamahalaang Español sa Manila. Nang tumanggi si Arsobispo ManuelAntonio Rojo, ang governador ng Pilipinas nuon, sumalakay ang mga British at pinagka-cañon ang Manila (Intramuros) mula noong Septyembre 24 hanggang masakop nilanuong sumunod na buwan, Octobre 6, 1762.

Noon nakita ni Silang na mahina at talunan ang Español. Nakilala niya sa Manila siSantiago Orendain, mayamang mestizong Español na kumampi sa mga British, atnalaman niyang maaaring makatulong ang mga bagong dayo na mapalaya ang Ilocos.

Wala nang saysay maghintay sa galleon na malamang nabihag na ng mga British, kayaumuwi na si Silang. Pabalik sa Vigan, dumaan siya sa mga magulang niya sa Pangasinan. Duon, kinasapakat niya si Lopez, isang kamag-anak na pinuno sa hukbong Español sa Pangasinan. Nagkasundo silang maghimagsik at ibagsak ang mga Español sa Ilocos.

Pagdating ni Silang sa Vigan, maraming sumapi sa binalak niyang aklasan, lalo na nang nabalitang naghimagsik din ang mga Pilipino sa Pangasinan, Cagayan, Laguna atBatangas. Sa San Pablo de los Montes, naghimagsik ang mga Pilipino, katulong ang mga Intsik, at pinatay ang frayleng Augustinian duon, si Francisco Fierro. Sa aklasan saTanauan, pinatay ng mga tao si Andres Enriquez, frayleng Augustinian din. May ilangfrayle pang pinatay sa ibang bahagi ng Luzon.

Madaling hinirang ng mga taga-Ilocos na pinuno si Silang. Binubuo pa niya ang hukbong himagsikan nang dakipin siya ng mga Español sa Ilocos na, sa pamumuno ni Simonde Anda, dating fiscal sa Audiencia Real sa Manila, ay patuloy na lumaban sapagsakop ng British kahit sumuko na si Arsobispo Rojo at mga Español sa Manila. Mulasa pinagtataguan niya sa Bacolor, Pampanga, inutos ni Anda sa lahat ng Español, patina sa mga frayle, na puksain ang mga himagsikan at labanan ang mga British sa anumang paraan.

Ikinulong ng mga Español si Diego Silang at pinahirapan siya ng mga frayleng Augustinian, nanagsandata at lumaban na bilang mga sundalong Español sa halip na magsilbi sa simbahan. Sa tulong ng isang kaibigang pari, pinalaya rin si Silang na lalong nagsigasig at nakapagbuo ng isang hukbo (army). Nagtatag siya ng mga bantay sa mga lansangan at mga dalampasigan upang hindi muling masukol at mabihag ng mga Español.

Noong una, inalok ni Silang sa mga Español at mga frayle na isasabak niya ang hukbo laban sa British, subalit tumanggi ang mga ito at nanawagan kay Bernardo Ustariz,obispo sa Nueva Segovia, sapagkat isa sa mga bilin ng aklasan ni Silang ay palitanlahat ng frayleng Español ng mga pari na taga-Ilocos. Sinakop ng hukbo ni Silang ang Vigan. Lahat ng hukom at pinuno ng pamahalaan na Español ay pinalitan ng mgapinunong ‘indio’ (ang tawag ng Español sa mga katutubong Pilipino nuon) at mga makabayang mestizo. Sa mga simbahan, pinalitan ang mga frayleng Español ng mgapari na Ilocano. Inusig at pina-alis si Antonio Zabala, alcalde mejor (katumbas ngprovincial governador) ng Ilocos. Inutos ni Silang na umalis sa Ilocos lahat ng Español.

Bilang ganti, naglabas si Obispo Ustariz ng pagsupil (interdicho, interdict) laban kaySilang. Hindi ito inalintana ni Silang, ipinakulong uli ang mga frayleng Augustinian. Sa tinagal ng aklasan, 3 ulit ipinakulong ang mga frayleng Augustinian dahil patuloy na humawak ng mga sandata at lumaban.

Hinayag ng mga nag-aklas na wala nang magbabayad ng buwis (tributo, tax) saEspañol dahil hindi ipinagtanggol ang bayan, bagkus tinalo pa ng British. Itinigil din ngmga tao ang polo, ang paglingkod sa mga Español nang walang bayad. Hiningi pa nilasa mga Español na ibalik ang buwis na binayad nila para sa taon na iyon, dahil hindi naman nakatupad sa tungkulin na ipagtanggol ang mga tao simula nuong sumuko ang Manila sa British.

Sa halip na ibalik ang buwis, nagpadala ng banta (aviso, warning) si Anda kay Silang nasumuko sa luob ng 10 araw, o ituturing siyang isang taksil (traidor). Sa halip, nakipag-sabwat si Silang sa mga British sa Manila.

Sumulat siya at nag-alok na kikilalanin niya ang pamahalaan ng hari ng Britain sa halipng mga Español. Malugod na tinanggap ng mga British and alok at hinirang nilang sargento mayor si Silang sa hukbo ng British sa Pilipinas, at alcalde mejor (governador) ng Ilocos. Hinimok nilang kumampi rin ang mga taga-Cagayan at mga taga-Pangasinan.

Sa batang edad na 33, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela Silang ang laban.


Add this to your website