About Filipino

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Where you're at: > Talambuhay ng Bayani > See More... > Talambuhay ni Graciano Lopez Jaena | Biography | Tagalog

Lazada Philippines Lazada Philippines

Talambuhay ni Graciano Lopez Jaena | Biography | Tagalog

Talambuhay ni Graciano Lopez Jaena

Graciano Lopez Jaena

Isinilang si Graciano Lopez Jaena noong Disyembre 18, 1856. Isa siyang mamamahayag, mananalumpati, rebolusyonaryo, at isang bayani. Siya ay nagmula sa Jaro, Iloilo at nakilala dahil sa kanyang likhang pahayagan, ang La Solidaridad.

Ipinadala siya ng kanyang mga magulang sa Jaro upang mar-aral sa St. Vincent Ferrer Seminary na nagbukas noong pamumuno sa ilalim ni Governor General Carlos María de la Torre y Nava Cerrada. Habang nag-aaral, nagsilbi siyang sekretaryo ng kanyang tiyuhin, sa Claudio López, na isang vice consul sa Portugal. Ang kanyang ambisyon na maging isang doctor (physician) ang nagkumbinse sa kanyang mga magulang na ito ang tamang bagay na gawin sa kanyang buhay.

Si López Jaena ay nagtangkang mag-enroll sa Unibersidad ng Santo Tomas subalit hindi siya tinanggap sa kadahilanang ang kursong Bachelor of Arts degree na kailangan ay wala sa seminary ng Jaro. Sa halip siya ay nagging apprentice sa San Juan de Dios Hospital. Sa kasamaang-palad, dahil sa problemang pang-pinansyal, siya ay umalis at bumalik sa Iloilo upang magsanay ng medisina.

Sa panahong ito, ang kanyang pagbisita sa mga mahihirap ang nagsimula halo-halong pakiramdam tungkol sa mga kawalang katarungan na noon ay naging pangkaraniwan sa lipunan. Sa edad na 18, nakapagsulat siya ng satireng kwento ang “Fray Botod" kung saan itinatanghal ang isang mataba at malibog na pari. Ito ang nagpamgalit sa kalooban ng mga prayle. Ang istorya ay hindi nalathala, subalit isang kopya nito ang kumalat sa Iloilo, sa kabutihang palad, hindi napatunayan ng kaparian na si Graciano Lopez Jaena ang nag-akda. Siya ay nailagay sa alanganin nang tumanggi siya tumestigo upang patunayan na ang naging sanhi ng kamatayaan ng bilanggo ay sa natural na dahilan at hindi dahil sa pagmamalupit at pagpapahirap ng mayor ng Pototan.

Siya ang nagpatuloy na naghanap ng hustisya at reporma at kalaunan ay nagpunta ng Espanya noong nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay. Naglayag siya papunta ng Espanya noong 1879 kung saan siya ang nanguna sa pagsusulat at pagsasalita para sa reporma ng Pilipinas.
Nagtuloy siya sa pag-aaral ng medisina sa University ng Valencia subalit hindi nakatapos. Siya ay lumipat sa larangan ng pamamahayag, nawalang siya ng gana sa pulitika ang pag-aaral, at nawili sa Barcelona at Madrid.

Itinatag ang La Solidaridad - ang kauna unahang magasin na naging opisyal na "bibig" ng Asociation Hispano-Filipino, samahan ng mga Kastila at Filipino ukol sa pagbabago reporma sa Pilipinas. Tumindig sa paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan. Pumanig kay Jose Rizal laban kay Marcelo H. Del Pilar. Tulad ni Del Pilar siya ay nagkasakit ng tuberculosis at namatay noong Enero 20, 1896, labing isang buwan bago binitay si Rizal.

Ang mga akda ni Graciano Lopez Jaena ay ang mga sumusunod: Ang Fray Botod, Honor en Pilipinas, Mga Kahirapan sa Pilipinas at Sa mga Pilipino.


Add this to your website