About Filipino

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size

Talambuhay ni Emilio Jacinto

talambuhay ni emilio jacinto

Emilio Jacinto

Isinilang noong ika 15 ng Disyembre 1875 sa Tondo Maynila. Anak nina Mariano Jacinto at Josefa Dizon.

Ginamit ang taguring Pingkian bilang kasapi ng Katipunan at Dimas Ilaw bilang kanyang taguri sa panulat, tinawag din ni Bonifacio na "Kaluluwa ng Katipunan".

Edukasyon

Apat na taong gulang pa lamang nang mamatay at mangulila sa ama, subalit nagsikap makapag aral ng primarya at sekondaryang edukasyon kay Pascual Ferrer.

Tinulungang makapag aral ng kanyang tiyuhin sa Colegio de San Juan de Letran at ng maglaon ay kumuha ng Abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas. naging kamag-aral at kaibigan sina Manuel Quezon at Sergio Osmena at Juan Sumulong sa Unibersidad.

Buhay at Propesyon

Taong 1894 ng maging pinaka batang kasapi ng Katipunan noong siya ay labing siyam na taong gulang at bilang pinagkakatiwalang kaibigan ni Bonifacio itinalaga sya bilang Piskal.

Naging patnugot ng Kalayaan, isang pahayagang nagpapalaganap ng tungkol sa Katipunan na siyang nagparami nito mula sa 300 tungo 30,000 kasapi. Naging tagapamahala ng pag gawa ng pulbura at pagtitipon ng mga sandatang pumuputok at ng maglaon ay naging kasapi ng tatluhang kataong lihim na lupon ng Katipunan.

Naging dalubhasang manunulat at itinakda niya ang Kartilya ng Katipunan (Ang Kodigo ng mga Turo ng KKK) na naglalaman ng mga panimulang turo ng Katipunan at karamihan sa mga dokumento nito. Sinulat din niya ang tulang A la Patria (Sa Aking Lupang Tinubuan). Ang Samahan ng Bayang Pangangalakal, isang sanaysay tungkol sa Ekonomiya at ang tanyag ng Liwang at Dilim isang serye ng sanaysay tungkol sa kalayaan, pantaong pagkakapantay-pantay, mga karapatang pampulitika, rehiyon at paggawa.

Nong ika 23 ng Agosto 1896, natuklasan ang tungkol sa kaipunan, tumakas siya kasama si Andres Bonifacio tungo sa Balintawak at nakibahagi sa pag sigaw ng himagsikan sa Pugadlawin. Nasangkot sa unang bigong pagsalakay sa kampamento ng mga Kastila sa San Juan del Monte noong ika-30 ng Agosto 1896.

Inatasan na iligtas si Rizal gamit ang isang kastilang bapor-pandigma at lumulan bilang isang manggagawang Tsino subalit nabigong mahikayat na tumakas si Rizal. Naglingkod bilang Heneral ng Katipunan at namuno sa mga rebeldeng puwersa sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Nueva Ecija at Maynila.

Inutusan ni Mabini upang magtungo sa Majayjay, Laguna pagkaraang mamatay ni Bonifacio at doo'y nakipaglaban, nasugatan at nadakip ng mga Kastila. Makaraang makatakas nagbalik sya sa Maynila at nag ipon ng lakas at muli ay nagbalik sa Sa. Cruz, Laguna at ipinagpatuloy ang pakikipag laban. At noong ika 16 ng Abril 1899, binawian ng buhay makaraang manghina dahil sa mga sugat na natamo sa pakikipag laban at sanhi na rin ng Malaria.


Add this to your website
 

Kung Nakatulong Ito Sa Iyo

i-Like Mo Kami sa Facebook