About Filipino

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size

Lazada Philippines Lazada Philippines

Talambuhay ni Lapu-Lapu

Talambuhay ni Lapu-lapu

Lapu Lapu

Isinilang sa pulo ng Mactan taong 1500. Pinuno ng Tribung Bulaia sa isang malaking nayon isla ng Mactan bago pa man dumating ang mga Kastila sa Cebu noong ika 8 ng Abril 1521.

Kaunti lamang ang nakabatid ng buhay at kasaysayan ni Lapu-Lapu at karamihan ng nakakaalam ay ipinagpalagay na galing sa mga alamat at kwentong-bayan. Kilala bilang isa sa Pinakadakilang Tao sa Kasaysayan ng sinaunang Pilipinas.

Buhay at Propesyon

Noong ika-8 ng Abril 1521 tinaggap ni Raja Humabon, pinuno ng tribo ng Cebu ang mga Kastila kung saan siya ay nakipagkasundo at nagpakumberte bilang isang Kristyano. Ngunit matinding tinutulan ni Lapu-Lapu ang gawaing ito maging ang panunumpa sa Espanya at pagbibigay dito ng kaukulang buwis.

Sa panahong nakumberte ni Magallanes ang karamihan ng tribo sa pagiging Kristyano, naging matatag ang paniniwala ni Lapu-Lapu bilang pinuno ng kanyang tribo at di sumunod sa kautusan ng mga dayuhan. Nagkaroon ng awayan sina Lapu-Lapu at Raja Sula isa nakumberte sa Kristyanismo at humingi ng tulong kay Magallanes upang lusubin at bigyan ng leksyon si Lapu-Lapu sa hindi nito panunumpa ng karapatan at pagbabayad ng buwis.

Muling tumanggi si Lapu-Lapu sa panunumpa ng karapatan sa Hari ng Espanya na naging dahilan upang lusubin ni Magallanes ang islang kinaroroonan ni Lapu-Lapu subalit nabigong maidaong ang kanilang mga barkong pandigma dahilan sa mabatong pampang ng isla. Nagkaroon ng matinding pakikibaka sa pagitan ni Lapu-Lapu at Magallanes. Tinamaan ng may lasong palaso si Magallanes at nasugatan sa braso na ikinasalanta nito.

Hindi batid kung ano ang ikinamatay ni Lapu-Lapu ngunit tinatayang sa dulo ng panahon ng ika 16 ng siglo siya namatay.


Add this to your website